Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Mga Bagay na natutunan ko noong buwan ng wika at araw ng mga bayani

MGA BAGAY NA NATUTUNAN KO NOONG BUWAN NG WIKA AT ARAW NG MGA BAYANI



Noong nakaraan Biyernes ay idinaos ng aming paaralan ang selebrasyon ng buwan ng wika. Maraming mga aktibidad ang hinanda ng aming mga guro. Isa sa mga ito ay ang “REHIYON FESTIVAL”. Ipinapakita dito ang mga produkto at katangian ng bawat rehiyon. Isa ito sa aking natutunan at pumasok sa isip ko na ang mga bagay na iyon ay nakakalimutan na ng bawat Pilipino dahil sa makabagong modernisasyon.

Isa sa mga natutunan ko ay ang tamang pag gamit ng wikang filipino. Sa panahon ngayon ay mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang wikang ingles dahil ang kanilang dahilan ay pag magaling ka sa wikang ingles ay mas anggat ka sa ibang Pilipino na hindi gaano marunong mag ingles. Ngunit paano nga ba natin mapapayabong ang ating sariling wika kung wikang ingles naman ang ating ginagamit???? Sasayangin na lamang ba natin ang hirap na ginawa ni Manuel L. Quezon na ama ng wikang pambansa??? Sabi ng ng aming school head ang wikang ingles ay wikang nagdudugtong sa lahat ng bansa ngunit wag natin kalimutan ang ating sariling wika dahil dito tayo nagmula.

Noong ika-30 ng Septyembre ay ipinagdiriwng ng ating bansa ang “ARAW NG MGA BAYANI” . Ating inaalala ang mga bagay na kanilang ginawa para sa ating bansa. Sila ang nakipaglaban sa mga dayuhan upang hindi tayo tuluyang masakop ng mga dayuhan. Ipinaglaban at ipinagtanggol nila ang ating kapwa Pilipino mula sa pag-aalipusta at pagpapahirap ng mga dayuhan sa mga Pilipino. Dapat natin silang ipagmalaki dahil kung hindi dahil sa kanila ay malamang ay sakop tayo ng ibang bansa ngayon.

Bukod sa mga bayani ng ating bansa ay mayroon pa akong isang bayani. Ito ay ang aking mga magulang dahil kung hindi dahl sa kanila ay wala ako ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako na bubuhay ngayon. Sila rin ang dahilan kung bakit ako nakapag-aral sa magandang eskwelahan ngayon. Kahit hirap na sila sa kanilang paghahanapbuhay ay hindi pa rin sila nagsasawa mag trabaho upang mabigyan lamang kami ng magandang buhay. Hindi sila nagrereklamo kahit nahihirapan at napapagod na sila sa kanilang pagtatrabaho. Sila ang HERO ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento